Magsalita nang Malaya

Mag-"hello" sa kakaibang karanasan sa pagmemensahe. Isang hindi inaasahang tutok sa privacy, na hinaluan ng lahat ng mga features na iyong inaasahan.


"Ginagamit ko ang Signal araw-araw."

Edward Snowden
Whistleblower at tagapagtaguyod ng privacy

"Ang Signal ang pinaka-scalable na encryption tool na mayroon tayo. Ito ay libre at peer reviewed. Hinihikayat ko ang lahat na gamitin ito araw-araw."

Laura Poitras
Oscar-winning na filmmaker at mamamahayag

"Palagian akong humahanga sa atensyon at ingat na ibinigay sa seguridad at kapakinabangan ng app na ito. Ito ang pangunahing-pili ko para sa encrypted na pag-uusap."

Bruce Schneier
Kilalang security technologist sa buong mundo

"Matapos kong basahin ang code, literal kong nadiskubre ang linya ng laway na gumuguhit pababa sa aking mukha. Ito ay talagang mahusay."

Matt Green
Cryptographer, Pamantasan ng Johns Hopkins

Bakit kailangang gamitin ang Signal?

Alamin sa ibaba kung bakit ang Signal ay madaling gamitin, makapangyarihan, at ligtas na mensahero

Magbahagi nang Walang Pangamba

Ang state-of-the-art na end-to-end encryption (na pinalakas ng open source na Protocol ng Signal) ay pinapanatili na ligtas ang iyong mga pag-uusap. Hindi namin magagawang basahin ang iyong mga mensahe o pakinggan ang iyong mga tawag, gayundin ang iba pa. Ang privacy ay hindi isang opsyonal na moda — Ganito lang talaga kung paano gumagana ang Signal. Sa bawat mensahe, bawat tawag, sa bawat oras.

Magsabi ng kahit ano

Magbahagi ng text, mga voice na mensahe, mga larawan, mga video, mga GIF at mga files nang libre. Ginagamit ng Signal ang data connection ng iyong mobile phone upang maiwasan mo ang mga bayarin gamit ang SMS at MMS.

Magsalita nang Malaya

Gumawa ng mala-kristal sa linaw na mga voice at video na tawag sa mga taong nakatira sa kabilang bayan o kaya'y sa ibayong dagat, nang walang bayad sa long-distance.

Gawing Lapat ang Privacy

Magdagdag ng bagong layer ng pagpapahayag sa iyong pakikipag-usap sa pamamagitan ng encrypted na mga sticker. Maaari ka ring lumikha at ibahagi ang sarili mong mga sticker packs.

Magkita-kita sa pamamagitan ng mga Grupo

Pinapadali ng mga chat na pang-grupo ang pananatiling konektado sa iyong pamilya, kaibigan, at mga katrabaho.

Walang ads. Walang trackers. Walang biro

Walang mga ads, walang mga affiliate marketers, at walang nakakatakot na tracking sa Signal. Kung kaya't ituon ang atensyon sa pagbabahagi ng mga mahalagang sandali sa mga taong mahalaga sa iyo.

Libre para sa Lahat

Ang Signal ay isang independent na nonprofit. Hindi kami tali sa alinmang malaking tech na kumpanya, at hindi rin kami makukuha ng mga ito. Ang development ay suportado ng mga grants at mga donasyon mula sa mga taong kagaya mo.