Mag-"hello" sa kakaibang messaging experience. Isang hindi inaasahang focus sa privacy, kasama ang lahat ng features na inaasahan mo.
Tignan sa baba kung bakit isang simple, powerful, at secure messenger ang Signal
State-of-the-art end-to-end encryption (powered ng open source Signal Protocol) na nagpapanatiling ligtas ang lahat ng conversations mo. Hindi namin mababasa ang iyong messages o mapakikinggan ang mga tawag mo, at hindi rin ito magagawa ng iba. Hindi optional ang iyong privacy — ganyan gumagana ang Signal. Bawat message, bawat tawag, anumang oras.
Mag-share ng text, voice messages, photos, videos, GIFs, at files nang libre. Ginagamit ng Signal ang iyong data connection para maiwasan mo ang SMS at MMS fees.
I-enjoy ang crystal-clear voice at video calls sa mga taong malapit man o malayo sa'yo nang walang long-distance charges.
Magdagdag ng bagong layer of expression sa iyong conversations gamit ang encrypted stickers. Pwede ka ring gumawa at mag-share ng sarili mong sticker packs.
Mas pinadali ng group chats ang pag-connect sa iyong pamilya, kaibigan, at ka-trabaho.
Walang ads, walang affiliate marketers, at walang creepy tracking dito sa Signal. Kaya makakapag-focus ka sa pag-share ng moments na mahalaga sa'yo at sa mga minamahal mo.
Ang Signal ay isang independent nonprofit. Hindi kami nakatali sa anumang major tech companies, at hindi rin kami pwedeng i-acquire ng mga ito. Ang development ng Signal ay suportado ng mga donation mula sa mga taong kagaya mo.
Mag-donate sa Signal